Drug pusher timbog sa P6.8 milyong shabu

Kinilala ang suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City na nakumpiskahan ng tinata­yang nasa 1 kilo ng shabu na may standard drug price P6,800,000.00, isang P1,000 bill, P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, cellphone at isang motorsiklo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nzaresto ng mga otoridad ang isang big time drug pusher sa isang buy-bust operation sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City na nakumpiskahan ng tinata­yang nasa 1 kilo ng shabu na may standard drug price P6,800,000.00, isang P1,000 bill, P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, cellphone at isang motorsiklo.

Sa ulat, ala-1:00 ng hapon nang isagawa ng mga otoridad ang buy-bust operation sa harap ng No. 178, M. L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig, City.

Agad na dinamba ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P150,000 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

Show comments