Bantog na albularyo sa Cavite, itinumba

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang bantog na albularyo sa lalawigan ng Cavite matapos itong pagbabarilin habang naglalakad pabalik sa kanyang sasakyan kahapon ng umaga sa Brgy. Nazareno, Naic, Cavite.

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si Arturo Solomon, 40. residente ng Brgy. Ibayo Silangan ng nasabing bayan.

Hindi pa kilala ang gunman na nakasuot ng itim na sando at pulang sombrero na mabilis na tumakas nang masigurong patay na ang target.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:45 ng umaga ay kalalabas lamang ng biktima sa isang convenience store at pabalik na sa kanyang sasakyan nang lapitan ng suspek at agad na pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pagpatay sa kilalang albularyo.

Show comments