^

Police Metro

Mag-asawa nilamon ng ilog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa patay na nang maiahon ang mag-asawang Ritchell Bobis Pontanes, 37; at Maricel Polveriza Pontanes, 35, residente ng Purok Dalagang Bukid, Brgy. Pantao matapos malunod sa ilog nang tangayin sila ng malakas na agos ng tubig-baha habang tumatawid sa ilog sa Brgy.Talin-talin sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, alas-9:00 ng umaga nagpunta ng bundok ng Brgy.Talin-talin ang mag-asawa kasama ang kanilang 12-anyos na anak na si Roxanne para manguha ng kawayan at kahoy na panggatong.

Nang makaipon ng panggatong at kawayan bandang alas-5:00 ng hapon ay nagdesisyong umuwi na ang mag-anak pero biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya sumilong muna sila sa isang maliit na kubo.

Pagtila ay agad unang itinawid ni Ritchell sa dadaanang ilog ang anak na si Roxanne at binalikan ang asawa.

Gayunman, habang patawid ng ilog ang mag-asawa ay biglang tumaas ang tubig dahil sa pagragasa ng tubig-baha mula sa mga kabundukan kaya inanod palayo ang mga biktima.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with