^

Police Metro

P26 milyong puslit na yosi naharang sa Davao

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa mahigit P26 milyon halaga ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na tinangkang ipuslit ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao.

Ayon kay Port of Davao District Collector Erastus Sandino Austria, kuwestiyonable ang naging deklarasyon na plastic cups sa nasabing kontrabando na parating sa Davao kaya agad na inisyuhan ng alert order.

Sa isinagawang physical examination, nabuking na ang nasabing kargamento ay nag­lalaman ng 980 master cases ng mga sigarilyo na may brand na “More, Mighty, D&B and Marvel” na nagkakahalaga ng P26,081,597.87.

Aniya, naka-consign ang nasabing shipment sa Goldsmith Trading, inis­yuhan na rin ng warrant of seizure and detention (WSD) dahil sa ilang mga paglabag.

vuukle comment

BOC

CIGARETTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with