^

Police Metro

Department of Disaster Resilience Bill aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Department of Disaster Resilience Bill aprub na sa Kamara
Sa botong 241-7-1, tuluyan nang nakapasa sa 3rd at final reading ang isa sa prestihiyosong panukalang batas ni Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero na magbibigay ng malaking partisipasyon sa paghahanda sa anumang kalamidad na maaaring dumating sa bansa.
AFP

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) upang mapabilis ang pagtugon sa malalaking kalamidad sa bansa.

Sa botong 241-7-1, tuluyan nang nakapasa sa 3rd at final reading ang isa sa prestihiyosong panukalang batas ni Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero na magbibigay ng malaking partisipasyon sa paghahanda sa anumang kalamidad na maaaring dumating sa bansa.

“Kailangan po ito ng ating bansa, na nais kong hilingin sa ating mga kasamahan sa Senado na mapag-aralan at maipasa agad upang tayo ay ma­ging handa sa anumang sakuna. Lalo pa ngayong tayo ay dumadanas ng pandemya sa bansa. Mas lalo natin dapat paghandaan ang kalamidad,” pahayag ni Rep. Romero na kasalukuyan ay umabot na ng 702 ang panukalang batas.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat si Rep. Romero sa mga kasamahang mambabatas at kay House Speaker Alan Peter Cayetano para sa pagpasa nito sa Kongreso na magiging malaking tulong sa bansa at ekonomiya sa oras ng kalamidad.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with