Barangay chairman nadakip sa shabu

MANILA, Philippines — Isang incumbent na barangay chairman ang inaresto ng mga otoridad nang makumpiskahan ng mga sachet ng shabu sa loob ng kanyang bahay sa isinagawang search warrant sa Brgy. Sioron, Gigmoto, Catanduanes kamakalawa ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Brgy. Chairman Celso Roranes Tolledo, 58-anyos, may asawa at itinuturing na high value target.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Genie Gapas-Agbade, ng Virac Regional Trial Court, Branch 42  at sinalakay ang bahay ng tserman na kung saan ay nakumpiska ang 18 plastic sachet ng shabu at iba pang paraphernalia.

Show comments