29 pulis sa Western Visayas, sinibak
Doris Franche (Pang-masa) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak ng Philippine National Police (PNP) ang 29 pulis sa Western Visayas Region sa samu’t saring paglabag.

“We are more stringent in our campaign on internal cleansing. Hard-headed personnel do not deserve to stay in the PNP,” giit ni Police Brig. Gen. Rene Pamuspusan, director of Police Regional Office (PRO-6).

Napatunayan na ang mga pulis ay lumabag sa conduct unbecoming, dishonesty at grave neglect of duty, lalo na ang mga absent without leave (AWOL).

Naitala rin ang 160 administrative case sa mga pulis ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental provin­ces, maging ang mga lungsod ng Iloilo at Bacolod.

Suspendido naman ang 75, 9 dito ay pinangaralan, 3 ang demoted, at ang 2 ay pinagmulta.

Samantala, 42 sa mga pulis ay pinawalang-sala sa mga reklamong hinarap.

Ngayong linggo naman, nagsasampa na ang PRO-6 ng kasong administratibo sa anim na babaeng pulis sa pag-iinom sa pampublikong lugar.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with