Ginang arestado sa higit P1 milyong shabu
Jorge Hallare (Pang-masa) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang 37-anyos na misis sa isang buy-bust operation sa Zone-1, Brgy. Sta. Elena Baras sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Mae Hazel Agapito, 37-anyos, may asawa, ng Brgy. San Miguel, Iriga City at kasama sa regional drug watchlists.

Sa ulat, alas-2:50 ng hapon nang kumagat ang suspek sa inilatag na buy bust operation nang tanggapin nito ang bayad sa isang  poseur buyer kapalit ng isang bungkos na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P75,500-libong piso.

Nang kapkapan at tingnan ang shoulder bag ng suspek ay narekober pa ang tatlong malala­king bungkos ng plastic na may lamang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon.

Isinailalim muna sa ilang araw na surveillance operation ang suspek sa mga transaksyon nito sa droga sa ilang bayan sa Camarines Sur at karatig na lalawigan ng Albay.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with