May basbas ni Duterte ang pagbawi sa deployment ban ng health workers

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang nurses at iba pang medical workers na may kontrata na nilagdaan “as of Aug. 28” subalit kailangan na konsultahin muna si Pangulong Duterte.
Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Hihintayin muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang deployment ban sa health workers.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang nurses at iba pang medical workers na may kontrata na nilagdaan “as of Aug. 28” subalit kailangan na konsultahin muna si Pangulong Duterte.

“Kinakailangan po muna konsultahin ang Presidente kasi ‘yung desisyon po na mag-impose muna ng moratorium ay desisyon po ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

Tanging ang health care workers na may exis­ting employment contracts “as of March 8, 2020” ang pinapayagan lamang na magtrabaho sa ibang bansa dahil ang Pilipinas bilang key exporter ng nurses at iba pang medical workers,  ay nagpapantili ng reserve force ng medical workers para labanan ang COVID-19 pandemic.

Show comments