COVID-19 case sa Pinas papalo sa mahigit 500K

MANILA, Philippines — Batay sa taya ng University of the Philippines (UP) ay posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ay makaraang palawigin ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa Dec. 31 nga­yong taon.

Maaaring bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000.

Posible ring pumalo sa limang libo hanggang sampung libong pagkamatay na may projected average na 7,500.

Show comments