^

2 anak ng Pinoy dinukot ng social workers sa Australia

Gemma Garcia (Pang-masa) - August 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humihingi ng tulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang Pinoy sa Austrailia sa umano’y pagdukot sa kanyang dalawang menor-de-edad na anak ng social workers ng Department of Children Services (DoCS) at personnel ng Family Community Services and Justice (FCSaJ).

Sa reklamo ni Inocencio “Coy” Garcia, 25 taon ng residente ng Kurama Cresent Whalan NSW 2770 Sydney Australia, pitong taon na siyang nakikipag laban sa kustodiya ng kanyang mga menor- de-edad na anak matapos umanong kidnapin ng mga tauhan ng DoCS-FCSaJ sa Mount Druitt, City of Balckdown, sa Greater Sydney Metropolitan area sa New South Wales noong Setyembre 23, 2014.

Bigla na lamang uma­nong pinasok ang bahay nila Garcia ni DoCS case acting manager Kayleigh Wotherspoon  at dinukot ang kanyang anak na si Jennifer mahigit tatlong taong gulang at James mahigit 2 taong gulang habang siya ay nasa trabaho.

Inakusahan umano ni Wotherspoon  si Garcia ng child abuse at malnutrition para pagtakpan ang pagdukot sa mga bata at magkaroon siya ng legal na basehan para kunin ang kustodiya ng dalawang bata sa kanyang ama.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin umano ang legal na laban ni Garcia para makuha ang kustodiya ng kanyang mga anak matapos siyang sampahan ng kasong criminal ng DoCS na tinawag niyang scam dahil wala umano itong pupuntahan dulot ng pagtatago ng korte ng court hearing’proceedings habang kasabwat ang mga social workers na umanoy sangkot sa kidnapping at pagpeke sa pirma nila para sa child adaptation process.

Nag-ugat umano ang insidente matapos silang humingi ng tulong sa mga social workers para tulu­ngan ang kanyang asawa na inabuso ng kanyang tiyuhin noong siya ay 14-anyos pa lamang  sa bahay ng kanyang ina na katabi lamang ng bahay ni Garcia, subalit sa halip na magsagawa ng im­bestigasyon sa nangyaring krimen ay napokus ang atensyon nila sa pagkidnap umano ng kanyang dalawang anak.

KIDNAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with