150 bahay nasunog sa Las Piñas
Nagsimula diumano ang apoy dakong alas-10:20 ng umaga sa dalawang palapag na bahay ng isang Florentina Delos Santos sa Basa Dos Compound, Zapote Road, na mabilis kumalat sa mga katabing kabahayan na pawang yari sa mahinang klase ng materyales.
STAR/File
150 bahay nasunog sa Las Piñas
Ludy Bermudo (Pang-masa) - August 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 150 na kabaha­yan ang natupok matapos na sumiklab ang sunog sa residential area ng Ba­rangay Zapote sa Las Piñas City kahapon.

Nagsimula diumano ang apoy dakong alas-10:20 ng umaga sa dalawang palapag na bahay ng isang Florentina Delos Santos sa Basa Dos Compound, Zapote Road, na mabilis kumalat sa mga katabing kabahayan na pawang yari sa mahinang klase ng materyales.

Dahil sa lakas ng hangin, napakalaki ng apoy at sobrang kapal ng usok kaya nahirapan ang mga bumbero na naapula ito.

Umakyat pa sa Task Force Alpha dakong alas 11:34 ng umaga ang sunog bago naideklarang fire under control alas-11:45 ng umaga at 1:45 nang ideklarang fire-out, ayon kay Las Piñas Fire Supt. Arthur Sawate.

Wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with