Pamilya na-trap sa sunog: 4 patay
Joy Cantos (Pang-masa) - August 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na bangkay ng isang pamilya ang natagpuan sa kanilang nasunog na bahay sa Brgy. 22, Ca­gayan de Oro City nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 10 director Brig. Gen. Rolando Anduyan, alas-8 ng umaga nang madiskubre ang mga sunog na bangkay ng mag-asawa at dalawang nilang anak sa Zone 3, Brgy. 22 ng nasabing lungsod ang mga ele­mento ng Police Station 3 sa pamumuno ni Captain Julius Saluta.

Kinilala ang mga biktima na sina Ador Ayagud at misis na si Juliet habang ‘di tinukoy ang pangalan ng dalawang menor-de-edad na anak. Sila ay na-trap sa nangyaring sunog na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sa imbestigasyon, ang insidente ay inireport nitong Sabado lamang ng umaga ng brgy. chairman sa lugar dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasunog na bahay ng pamilya Ayagud dahil sa maraming nagliliparang bangaw o malalaking langaw. Nangyari ang sunog noong Agosto 12 dakong alas-9 ng gabi pero dahil walang pakialam ang mga kapitbahay kaya hindi ito agad naireport sa mga awtoridad.

“Bureau of Fire Protection and PNP investigators then searched the area and later found four dead bodies today,” pahayag kahapon ni Cagayan de Oro City Police Director Police Colonel Henry Dampal.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with