^

Police Metro

Pagbakuna kay Duterte sa Mayo 2021 pa

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbakuna kay Duterte sa Mayo 2021 pa
Mula Oktubre naman aniya hanggang Marso ay magkakaroon ng clinical trials, phase 3 na sabay na gagawin sa Pilipinas at Russia. Ang Russia ang siyang magpopondo ng clinical trials na gagawin sa Pilipinas.
Handout / Russian Direct Investment Fund / AFP

MANILA, Philippines — Posibleng sa Mayo 1, 2021 pa maaa­ring magpabakuna si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng gamot laban sa COVID-19 mula sa Russia.

Ito ang sinabi ni Pre­sidential spokesperson Harry Roque, dahil sa Setyembre ay magkakaroon ng review ng vaccine expert panel ng resulta ng clinical trials, Phase 1 at Phase 2, na ginawa sa Russia.

Mula Oktubre naman aniya hanggang Marso ay magkakaroon ng clinical trials, phase 3 na sabay na gagawin sa Pilipinas at Russia. Ang Russia ang siyang magpopondo ng clinical trials na gagawin sa Pilipinas.

Ani Sec. Roque sa Abril ay inaasahan na marerehistro ang bakuna ng Russia sa Food and Drugs Administration (FDA).

“Kaya sa Mayo 1, 2021 pa lang puwedeng magpasaksak ng bakuna na galing Russia ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Sec. Roque.

“Uulitin ko po, inaasahan po natin na magpapabakuna ang ating Pangulo dito sa Russia na bakuna sa Mayo 1, 2021,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, masa­yang ibinalita rin ni Sec. Roque na bukas ang Russia sa transfer of technology para sa local manufacturing ng vaccine.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with