4,000 electric jumper nakumpiska sa 42 barangay sa Iloilo City

MANILA, Philippines — Umabot sa 4,000 illegal connection ng kuryente ang nakumpiska ng distribution utility na More Power and Electric Corporation (More Power) sa loob lamang ng 10 araw sa inilunsad na “Oplan Valeria” na nakatuon para mawakasan na ang matagal nang problema sa electric jumper sa Iloilo City.

Ito ang sinabi ni Ariel Castañeda, hepe ng ApprehensionTeam ng More Powerat inaaasahan nilang madaragdagan pa ang nasabing bilang sa mas pina­igting nilang kampanya laban sa illegal connection.

Nagbanta si More Power Legal Officer Atty. Allana Babayen-on sa mga residente na patuloy na nakikinabang sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin ito at papanagutin sa batas kung saan maaa­ring makulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.

Anim katao na ang kinasuhan ng paglabag sa Anti Pilferage Law, na napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper kaya’t pinayuhan ang mga nahulihan na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng kuryente at sa halip ay mag-apply ng sariling legal na kuntador.

Sa 2019 technical study na ginawa ng Miescor Engineering Services Corp ay natukoy nito na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo na syang tinuturong dahilan nang pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3% sa ilalim ng dating power firm na Panay Electric Company (PECO) gayundin ang overloading sa linya ng kuryente kaya nakakaranas ng biglaang mga brownout.

Show comments