^

Police Metro

Sen. Go sa DOJ: Totohanin na ikulong ang mga magnanakaw

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Totohanin ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagpapakulong sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.”

Ito ang naging hamon ni Senator Bong Go sa Department of Justice (DoJ) na siyang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang Anti-Corruption Task Force.

“Tulungan n’yo po ang Pilipino. Totohanin n’yo po. Ikulong n’yo po, lalung-lalo na ang mga magnanakaw na nagsasamantala sa pera ng tao. Alam n’yo napakahalaga ng bawat piso sa bawat Pilipino ngayong panahong ito,” apela ni Go.

Ang DoJ ang itinalaga ni Presidente Duterte upang imbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at iba pang ahensiya na naging sistema na ang mga anomalya.

Tiniyak ni Sen. Go sa publiko na lalong pinala­lakas ng Pangulo ang giyera nito laban sa corruption lalo’t dalawang taon na lang ang nalalabi sa kanyang administrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with