^

Police Metro

Russia handang magsuplay ng bakuna vs COVID-19

Ludy Bermudo - Pang-masa
Russia handang magsuplay ng bakuna vs COVID-19
Sa isang online press briefing, sinabi ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na nakapag-develop na sila ng mabisa at ligtas na bakuna na maaari nilang isuplay sa Pilipinas at maaari rin nilang ibahagi ang mismong paraan sa paggawa o local production nito kung nais makipagtulungan sa kanilang clinical trials.
AFP/Nicolas Asfouri

Local production ibabahagi rin sa ‘Pinas

MANILA, Philippines — Nag-alok na rin sa Pilipinas ang bansang Russia para mag-supply ng kanilang na-develop na bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang online press briefing, sinabi ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na nakapag-develop na sila ng mabisa at ligtas na bakuna na maaari nilang isuplay sa Pilipinas at maaari rin nilang ibahagi ang mismong paraan sa paggawa o local production nito kung nais makipagtulungan sa kanilang clinical trials.

Sinabi ni Khovaev na nakapagsumite na sila ng proposals sa Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa alok na clinical trials at sa production ng bakuna, at hinihinatay na lamang nila ang sagot ng pamahalaan.

“It means that we are ready to combine our efforts, we are ready to make necessary investments together with our Philippine partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership bet­ween our two nations,” ani Khovaev.

Hindi umano sila nangangako kundi nagbibigay ng mga suhestiyon base sa kung ano ang mayroon na sila at nagawa na nila na epek­tibo naman at ligtas na maituturing na “very promising” matapos makapagpagaling sa mga isinalang sa clinical trials sa kanilang bansa.

“So, according to the analysis of our scientists, the results of the trials are very promising, very positive…The vaccine is effective and safe,” paliwanag ni Khovaev.

Sakaling tanggapin ng Pilipinas ang alok, susunod naman umano sila sa kinakailangang proseso sa vaccine distribution sa bansa. Aniya, nasa 20 bansa na ang nagpahayag ng interes na makikipagtulungan sa kanila para sa nasabing bakuna.

Ang SARS-COV-2 vaccine na tinutukoy ng ambassador ay ang na-develop na “N.F. Gamaleya” ng Ministry of Health of the Russian Federation.

Una nang nakipag-ugnayan ang Phl government sa United States, Taiwan, China, at sa United Kingdom para sa COVID-19 vaccines na bibilhin ng bansa sakaling maging available na ito.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with