EAMC gagawing pang-COVID-19 na lang
MANILA, Philippines — Sinabi ni National Task Force COVID-19 implementer Sec. Carlito Galvez Jr., na gagawing tanging ospital para sa pagpapagamot sa mga pasyenteng may coronavirus disease o COVID-19 ang East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.
“Sa ngayon magkatuwang si Department of Public Works Secretary Mark Villar, Sec. Vince Dizon at Health Undersecretary Leopoldo Vega na mapaayos at ma-convert ang East Avenue na maging COVID dedicated hospital,” pahayag ni Galvez.
Ayon kay Galvez, ang EAMC ay magbibigay ng 250 isolation beds at COVID-19 ward beds maging ang nasa 30 beds para sa intensive care unit (ICU).
Dagdag pa ng opisyal, nagdagdag na ang pamahalaan ng 50 hanggang 100 beds para sa mga COVID-19 referral hospital na Philippine General Hospital sa Maynila at ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
- Latest