Ipinaskil ni Bautista sa kanyang Facebook page na “THIS IS A PUBLIC SERVICE MESSAGE. If you have loss of sense of smell, or loss of sense of taste, these are the symptoms of COVID-19. Loss of common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”
STAR/Geremy Pintolo, file
Ex-Mayor Bistek binatikos ng netizens
Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

‘Lack of common sense’ daw ang dinadapuan ng COVID…

MANILA, Philippines — Inulan ng batikos sa netizens si dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista matapos na sabihin sa kanyang Facebook post na ‘lack of common sense’ ang  dahilan para madapuan ng coronavirus disease (COVID-19) ang isang indibiduwal.

Ipinaskil ni Bautista sa kanyang Facebook page na “THIS IS A PUBLIC SERVICE MESSAGE. If you have loss of sense of smell, or loss of sense of taste, these are the symptoms of COVID-19. Loss of common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”

Maraming netizens ang nagalit sa naturang FB post kaya’t binash ang dating alkalde.

May ilan naman ang nagpahayag ng simpatiya sa mga doktor, nurse, hospital staff at iba pang frontliners na nagsasakripisyo ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya, sa ngalan ng public service.

Sa kabila nang pagsasagawa ng lahat ng kinakaila­ngang pag-iingat, marami kasama na ang mga frontliners  ang nahahawa ng sakit mula sa kanilang mga pasyente, dahil palagi silang nagkakaroon ng close contact sa mga ito, sa tuwing gagampanan nila ang kanilang tungkulin.

Isa pa sa mga netizens ang nagkomento ng ganito, “FYI: Former Yorme Herbert, Many of our Frontliners have to work longer and exposed themselves in a situation wherein you, yourself don’t want to. Every day for them is a battle to face psychosocial hazards, which are exacerbated during emergencies where demands increase and they have to experience risk of infection. And yet you have the guts to tell to the world what is common sense is all about? Well, for me you doesn’t make sense at all! Shame on you!.”

Pahayag naman ng isa pang netizens: “Frontliner po ako at masakit sa amin sabihan ng ganyan lalo’t di biro ang pagganap sa aming tungkulin para sa kapakanan ng publiko. Not a good joke at lalong not a better post to provide support. It’s a shame”.

HERBERT BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with