Nabatid na buwan ng Abril ay idinepoy ang 41 sundalo sa Cebu upang tumulong sa mga ipinatutupad na health protocols habang Hunyo 23 naman nang ni-recall ang mga sundalo sa Cebu at dinala sa isang isolation area sa Kabangkalan, Negros Occidental.
Aldo Nelbert Banaynal
21 sundalo na idineploy sa Cebu, tinamaan ng COVID
Doris Franche (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 21 sundalo na idineploy sa Cebu para magpatupad ng community quarantine ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang ibinunyag ni 3rd Infantry Division Spokesperson Major Cenon Pancito III sa  nasabing bilang ay 7 ang nakakaranas ng sintomas ng virus habang ang 14 ay asymptomatic.

Nabatid na buwan ng Abril ay idinepoy ang 41 sundalo sa Cebu upang tumulong sa mga ipinatutupad na health protocols habang Hunyo 23 naman nang ni-recall ang mga sundalo sa Cebu at dinala sa isang isolation area sa Kabangkalan, Negros Occidental.

Subalit, makalipas ang ilang araw, lumitaw na pito sa 41 mga sundalo ay nakaranas ng sintomas ng COVID-19 kaya agad isinailalim sa COVID-19 swab test at Hulyo 3 natukoy na positibo sa virus ang pito.

Agad na rin isinailaim sa COVID-19 swab test ang 34 pang mga sundalo at Hulyo 8 lumabas ang resulta at 14 sa mga ito kumpirmadong nahawa ng COVID-19.

Habang negatibo naman ang 20 sundalo na ngayon ay isinasailaim sa 14 days quarantine bago muling isalang sa COVID-19 swab test para masigurong ligtas sa sakit.

Nanatili ang 21 sundalo sa isang health faci­lity ng Negros Occidental at mga medical staff ng Negros Occidental Provincial Health office ang nagmomonitor sa kanilang kalagayan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with