DOLE dapat bigyan ng ayuda ang mga ABS-CBN workers na nawalan ng trabaho

MANILA, Philippines — Maglaan ng cash aid at job-matching assistance sa mahigit 11,000 ABS-CBN employees na naapektuhan sa ABS-CBN franchise denial.

“Sa gitna ng krisis na dinaranas ng bansa sanhi ng COVID-19 pandemic, marami nang nagsarang kumpanya kaya’t lalong mahihirapang maghanap ng trabaho ang mga taga-ABS-CBN lalo pa yung mga may edad na. Kaya’t kailangan ng job-matching assistance,” lahad ni ACT-CIS Party-list Representative Jocelyn Tulfo.

Hindi aniya dapat maging hamon sa DOLE ang P5,000 cash aid sa mga empleyado dahil mayroong $7.8 bilyong loans and bonds ang Department of Finance.

“The quest to push for the ABS-CBN franchise renewal is far from over. ABS-CBN supporters may continue to push for franchise renewal. What happened yesterday was not the end,” giit pa ni Tulfo.

Show comments