^

Police Metro

ABS-CBN makakabangon - Lacson

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkakabasura ng Kamara sa hirit na legislative franchise, malaki ang paniwala ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na makakaba­ngon pa rin ang ABS-CBN network 

Inihalimbawa ni Lac­son sa isang taong bumagsak ang nangyari sa ABS-CBN dahil ang kasunod aniya ng pagbagsak ay pagbangon.

“You fall today but you will rise tomorrow. Ganoon lang kasimple ‘yan,” sabi ni Lacson.  

“Maybe kung bumagsak sila today pero iba usapan kinabukasan o sa susunod na araw o taon. I’m sure babangon uli at babangon,” dagdag nito.

Aminado si Lacson na kung ano man ang naging desisyon ng Kongreso sa pagbibigay ng legislative franchise ay dapat itong irespeto dahil sakop ito ng kanilang kapangyarihan.

“Unang-una, Kongreso ang may authority under the Constitution para mag-approve. Kaya tawag doon legislative franchise. Kung anuman ang individual na dahilan o collective na dahilan ng mga kongresista kaya nila ni-reject o hindi binigyan ng franchise ang ABS-CBN, nasa kanila yan,” sabi ni Lacson.

Idinagdag ni Lacson na ang sinasabing pag­yurak sa malayang pamamahayag ay isang uri ng opinyon pero dapat tanggapin kung ano man ang naging desisyon ng Kongreso.

vuukle comment

ABS-CBN

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with