Aktibidad sa PNPA sinuspinde

Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, nagluluksa ang PNPA sa pagkamatay ni Cadet Fourth Class Jiary Jasen Papa dahil sa electrolyte imbalance o hypokalemia (low potassium intake).
PNP Photo

Sa pagkasawi ng babaeng kadete…

MANILA, Philippines — Kasabay ng kanyang pagpapaabot ng dalamhati, iniutos kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief P/Ge­neral Archie Gamboa ang suspensyon sa lahat ng aktibidad ng Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa pagkasawi ng isang babaeng kadete nitong Huwebes.

Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, nagluluksa ang PNPA sa pagkamatay ni Cadet Fourth Class Jiary Jasen Papa dahil sa electrolyte imbalance o hypokalemia (low potassium intake).

“PNPA Director, Police Major General Jose Chiquito Malayo said that since two deaths of new cadets were recorded in the past three (3) days, all activities for the members of the PNPA Class of 2024 will be suspended until further evaluation and assessment,” anang opisyal.

Sinabi pa ni Banac, bilang bahagi ng health protocols ay isinailalim rin ng Academy Health Service  sa swab test sa COVID 19 ang nasabing kadete.

Bandang alas-2:30 ng madaling araw noong Huwebes nang humingi ng permiso si Papa na magtutungo lamang sa comfort room at matapos ito ay nagbalik na sa higaan at natulog muli. Gayunman, matapos ang ilang oras ay muling gumising para maghanda sa kanilang maagang aktibidad tulad ng ehersisyo pero bigla siyang nawalan ng malay-tao.

Agad na isinugod ng mga kadeteng naka-duty si Papa sa PNPA Health Service para mabigyan ng first aid bago siya inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta Rosa, Laguna para sa kaukulang atensyong medikal.

Gayunman, bandang alas-4:34 ng madaling araw nang ideklara ng doktor na patay na si Papa.

Show comments