Bomba sumabog: Pulis at sibilyan patay, 4 pa sugatan

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi ay sakay ng patrol ang mga pulis at sibilyan na si Bobby na umano ay asset ng mga pulis pabalik na sa kanilang himpilan nang sumabog ang itinanim na bomba pagdaan ng kanilang sasakyan.

MANILA, Philippines — Namatay ang isang pulis at isang sibilyan habang 4 pang pulis ang nasugatan nang masabugan ng itinanim na improvised explosive device (IED) kamakalawa ng gabi sa provincial road, Barangay Poblacion Mother, Shariff Aguak, Maguindanao.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina PMSgt Antonio Balasa at isang sibilyan na nakilala lang sa alyas Bobby, habang sugatan ang apat na mga pulis na sina PSgt. Larry Amoran, PSSgt. Guerrero Domingo, PCPL Guai Mangrag at PCPL Clyde Peria.

Show comments