Pinas pinalakas ang COVID-19 screening at surveillance

Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng Resolution 53 na inaprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng National Task Force (NTF) against Co­vid-19 na kumuha ng mas maraming sibilyan na itatalaga sa mga contact tracing at swabbing sa ports of entry at dedica­ting Subic at iba pang port bilang hubs para sa international crew change.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases nitong Huwebes ang mga hakbang na layong palakasin ang screening at surveillance activities.

Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng Resolution 53 na inaprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng National Task Force (NTF) against Co­vid-19 na kumuha ng mas maraming sibilyan na itatalaga sa mga  contact tracing at swabbing sa ports of entry at dedica­ting Subic at iba pang port bilang hubs para sa international crew change.

Sinuportahan din ng task force ang paglu­lunsad ng one-stop shops sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) upang maging isahan ang pagproseso ng mga dumadating sa lahat ng gateway.

Tinanggap din ng IATF ang inbound flight crew protocols na mandato ng International Civil Aviation Organization.

Inutusan naman nito ang DOTr, Civil Aviation Authority of the Philippines, at Civil Aeronautics Board na maglabas ng kinakailangang pa­nuntunan.

Hanggang Hulyo 9 naman, nakapagtala na ang Pilipinas ng 51,754 na kaso ng COVID-19 kung saan 12,813 ang nakarekober at 1,314 naman ang nasawi.

Show comments