âMan in blackâ sa Jolo shooting iimbestigahan
Tatlo sa apat na sundalo na napatay sa Jolo, Sulu nakaraang Hunyo 29, 2020 ay binigyan ng Military Honors at ang mga kaanak nito ang tumangap sa Villamor Air Base sa Pasay City. Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco at si Cpl. Abdal Asula ay namatay sa Jolo Municipal Police Station kasunod nito ay ang pag iimbestiga at napagbintangan na terorista sa lugar.
STAR/Krizjohn Rosales, file
‘Man in black’ sa Jolo shooting iimbestigahan
Danilo Garcia, Joy Cantos (Pang-masa) - July 3, 2020 - 12:00am

NBI: Crime scene ginalaw…

MANILA, Philippines — Kwestiyonable nga­yon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu.

Ayon kay PBA Party­list Rep. Jericho Nograles, dapat ipaliwanag ng pulisya kung sino si “man in black” na malinaw na nakita sa CCTV footage sa lugar na ginalaw ang crime scene, ang ulo ng mga bangkay at maging ang behikulo na sinasakyan ng apat na sundalong nasawi.

“Who is the man in black sa video, ginalaw ulo ng mga corpse, sumilip sa kotse may kinukuha sa sling bag, may inila­lagay sa loob at nakunan ito sa CCTV”, ayon kay Nograles  na  aniya’y isang malinaw na pagta-tamper ng mga ebidensya matapos nitong mapanood ang video.

“ Sa CCTV footage, me gumalaw sa crime scene, sa pag-tamper ng crime scene may itinatago and that is a premeditation to murder, di mo puwede sabihin judgement call dahil wala namang banta sa buhay ng mga pulis “, anang solon.

Iniimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage  kung saan makikita ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumbrero na tila may inilagay siyang kung ano sa bangkay at inililipat ang pwesto ng kinabagsakan nito.

Sinabi pa ni Nograles na si Major Marvin Indammog, team leader ng Army Intelligence sa Army’s 11th Infantry Division (ID) ay nagtamo ng 12 tama ng punglo sa katawan, apat sa harap at 8 sa likurang bahagi na kumitil sa buhay nito.

Sinabi ni Nograles na malinaw sa video footage na lumabag sa Manual Operating Procedure ng PNP ang mga pulis sa checkpoint.

Hindi rin aniya ito isang ‘isolated case’ dahilan, isang dekada na ang nakalilipas ay may binaril rin sa lugar ang mga pulis sa kaparehong kalsada sa kapitolyo ng Sulu mula sa Marine Battalion Landing Team (MBLT) na kanilang napatay.

NBI SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with