Kabilang sa ilalagay sa lockdown ang mga barangay sa District 1 kasama ang barangays 1, 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, at 129 sa District 2 ang Barangays 163, 173, 180, 185, at 215; sa District 3 ang mga barangays 275, 310, 343, at 380; sa District 5 ang mga barangays 649, 724, 766, 775, 811; at sa District 6 ang mga barangays 836, 846, at 847.
Philstar.com/Irish Lising, file
31 baragay sa Maynila ila-lockdown
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilagay sa 48-oras na lockdown ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nasa 31 barangay sa lungsod para maampat ang pa­tuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), Pi­nirmahan ni Domagoso ang Executive Order No. 31 na nag­lalagay sa mga barangay sa ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ at para makapagsagawa ng ‘di­sease surveillance, rapid risk assessment at testing’ sa mga barangay.

Kabilang sa ilalagay sa lockdown ang mga barangay sa District 1 kasama ang barangays 1, 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, at 129 sa District 2 ang Barangays 163, 173, 180, 185, at 215; sa District 3 ang mga barangays 275, 310, 343, at 380; sa District 5 ang mga barangays 649, 724, 766, 775, 811; at sa District 6 ang mga barangays 836, 846, at 847.

Epektibo ang lockdown mula alas-12:00 ng Sabado ng madaling araw sa Hulyo 4 at magtatapos ng alas-11:59 ng Linggo ng gabi sa Hulyo 5.

Habang nasa lockdown, dapat manatili sa loob ng kani-kanilang bahay ang mga residente maliban sa mga health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes), utility workers, essential workers (goods delivery, food deli­very, banking at money services), barangay officials, at mga media practitioners na may akreditasyon ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force.Suspendido rin ang operasyon ng mga establisimi­yentong pang-komersyo at serbisyo.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with