SSS members na nawalan ng trabaho, makatatanggap ng P20K cash benefit

MANILA, Philippines — Makatatanggap ng hanggang P20,000 cash benefit ang lahat ng contributing members ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho, batay sa kanilang monthly salary credit, ayon sa opisyal nito ngayong Martes, Hun­yo 9.

Sinabi ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas na kailangan lamang magpakita ng sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang mi­yembro ng SSS at isang savings account.

“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga,” wika ni Nicolas.

“Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay invo­luntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit,” dagdag pa nito.

Matatanggap ang unemployment benefit sa loob ng limang araw at ipamamahagi ang halaga sa loob ng dalawang buwan.

Para sa overseas Filipino workers, maaa­ring hingiin ang sertipikasyon mula sa Overseas Employment Office (POLO), sa halip na sa DOLE.

Subalit, hindi kwa­lipikadong makakuha ng unemployment benefit ang mga miyembro ng SSS na nagparehistro bilang self-employed. 

Show comments