220 bus pinayagang bumiyahe sa GCQ areas

MANILA, Philippines — Dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon, may 220 bus ang pinayagan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maka­biyahe sa binuong bagong ruta upang matulungan ang mga commuters na makapasok sa kanilang trabaho sa mga lugar na pinaiiral ang general community quarantine (GCQ) tulad ng Metro Manila.

Nabatid na mula sa naturang bilang, 116 bus units ang ide-deploy sa Monumento papuntang Balagtas habang 30 bus sa EDSA Quezon Ave. patungong Montalban.  

Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PTIX) papuntang Ninoy Aquino International Airport Loop ay 74 bus units ang pinayagang mag-operate dito.

Ang tatlong bus routes ay itinalaga sa naturang mga lugar dahil nakitang marami ditong stranded na pasahero nitong nakaraang mga araw.

Show comments