Sa isang panayam sa DZBB, ibinunyag ng OFW na itinago sa pangalang “Elmer”, nagtatrabaho sa King Abdulaziz International Airport na 10 umano silang Filipino na inilagay sa isang villa matapos na ma-infect ng nasabing coronavirus.
AFP/Karim Sahib
10 Pinoy na may COVID sa Saudi, itinatago sa villa
Gemma Garcia (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela sa gobyerno ng Pilipinas ang 10 overseas Filipino wor­kers (OFWs) na positibo sa COVID-19 na sila ay tulungan matapos umanong pabayaan ng kanilang employer sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sa isang panayam sa DZBB, ibinunyag ng OFW na itinago sa pangalang “Elmer”, nagtatrabaho sa King Abdulaziz International Airport na 10 umano silang Filipino na inilagay sa isang villa matapos na ma-infect ng nasabing coronavirus.

Hinagpis niya, napa­kahirap ng kanilang kalagayan dahil 10 silang positibo at magkakasama silang itinago sa iisang villa o malaking bahay.

Bukod dito, isa na rin umano ang namatay sa kanila, subalit ang iba sa kanilang kasamahang manggagawa ay pinapapasok pa rin sa trabaho kahit alam ng kanilang mga employer na may kaso ng coronavirus sa nasabing airport.

Nagsisinungaling din umano ang kanilang supervisor tungkol sa atensyong medikal na binigay sa isang kasama nila na nasawi dahil sa COVID-19.

Masuwerte naman umano si Elmer dahil naipasok siya sa ospital kaya nais din niya na magamot ang kanyang mga kasama. Aniya, ang kanyang sipon at plema ay may dugo habang inuubo na rin siya at hinihingal o nahihirapang huminga.

Bagama’t may dumating na rin umano sa kanilang villa na taga Ministry of Health ay tinanong lang ang mga kasama nito kung okay ba sila.

Dahil dito, umapela si Elmer sa Philippine Consulate sa Jeddah na tingnan ang pagtrato ng kanilang mga kompanya sa mga Pilipino na nasa villa at kung maaari ay iuwi na sila sa Pilipinas dahil nagkakahawahan na sila sa roon.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with