Pag-hire ng 95k COVID contact tracers ‘wag nang ituloy
Gemma Garcia (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III, nararapat na mas gamitin ang tinatayang bil­yong budget requirement ng Department of Health (DOH) para sa pag-hire ng karagdagang contact tracers sa gitna ng COVID-19 sa aktuwal na paggamot sa mga tinamaang pasyente ng coronavirus,

“It will be wiser and more practical to divert the P11.7 billion for the treatment of patients. We need funds to treat our sick kababayans. Mas mahalagang gamitin na lang ang pondong ito para sa pagbili ng mga gamot at medical equipment na makakatulong sa paggaling ng mga pasyente,” ayon kay Sotto.

 “Contact tracing can only be effective if you use people who are trained in investigation like how they handled it in Baguio. If the DOH hires people who have no experience in investigation, then the program is practically useless,” ayon kay Sotto.

Sinabi rin ng senador na sa halip na mag-hire ng bagong contact tracers, maaaring makipagtulu­ngan ang DOH sa iba pang ahensya ng pamahalaan na maaaring magpadala ng kanilang mga empleyado para sa naturang trabaho.

Matatandang sinabi ng ahensya na nanganga­ilangan ito ng 95,000 pang contact tracers upang maabot ang ratio na iminumungkahi ng World Health Organization.

COVID-19 VICENTE SOTTO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with