PCSO tuloy pa rin ang pagtulong
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mahihirap na nangangailangan ng ayuda ngayong panahon ng coronavirus di-sease 2019 (COVID-19) pandemic kahit suspendido ang operasyon.
Sinabi ni PCSO Ge-neral Manager Royina Garma na mahigit P14 milyong halaga ng medical assistance ang naipagkaloob nila sa 1,934 na beneficiaries sa buong bansa sa dalawang magkasunod na araw lamang.
Ani Garma, sa ilalim ng Medical Access Program (MAP), na da-ting Individual Medical Assistance Program o (IMAP) na programa ng PCSO para makatulong sa mga pangangailangang medikal ng mga mahihirap nating kababayan na kailangan ng ayuda sa kanilang tustusin sa kanilang pagpapa-confine, chemoteraphy, dialysis at post-transplant medicines.
- Latest