Konsehal ng Pasay na nagmura sa mga health workers dapat parusahan – DILG
Mer Layson (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat na maparusahan ang isang konsehal sa Pasay City na nakuhanan sa isang video habang nagagalit at nagmumura nang magsagawa umano ng rapid testing sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga health workers sa city hall nang walang paalam.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, at posibleng nag-ugat sa “miscommunication” ang insidente noong nakaraang Martes at marahil ay maling venue ang session hall para pagdausan ng rapid testing.

Wala rin naman uma­nong nakitang diskriminasyon si Año at wala rin namang personal na sinabihan ang konsehal. Gayunman, marapat lamang na parusahan anya ang opisyal sa labis na pagmumura.

“Masyadong excessive iyong pagmumura ni city councilor kaya dapat mayroon din tayong mailagay na sanction dito,” ani Año.

Ipinauubaya naman ng DILG kay Pasay City Ma­yor Emi Calixto-Rubiano ang imbestigasyon laban kay Konsehal Moti Arceo, na una nang umamin na uminit ang ulo niya dahil wala aniyang konsultasyon at paalam ang city health office nang magsagawa ng rapid testing sa session hall.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with