PCSO aayudahan ang Lotto, Keno agents
Mer Layson (Pang-masa) - May 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamu­nuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kanilang pagkakalooban ng financial assistance ang libu-li­bong Lotto at Keno agents sa buong bansa.

Sinabi ni PCSO Ge­neral Manager Royina Garma na makakatanggap ang may 6,241 na Lotto at Keno agents sa buong bansa ng kabuuang P18,723,000 na halaga ng financial assistance.

“We, at the PCSO Board understand the plight of our individual Lotto and Keno agents. That’s why, as our partners in raising revenues, we also have to look after their welfare during this global pandemic. I have instructed our Branch Managers and all other concerned officials to immediately facilitate the release of the assistance,” saad ni Garma.

Inaprubahan aniya ng PCSO ang pagbibigay ng financial assistance sa pamamagitan ng Board Resolution 109 s. 2020 na aprubado rin naman ng Office of the President.

Layunin nito na matulungan ang mga ahente ng kanilang panganga­ilangan upang mabawasan din ang kanilang alalahanin ngayong nahaharap sa COVID-19 pandemic.

Matatandaang simula pa Marso 17, 2020 ay sinuspinde na ng PCSO ang lotto operations sa buong bansa upang protektahan ang kanilang mga lotto agents, tellers at gaming public mula sa nakamamatay na coronavirus disease.

PCSO ROYINA GARMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with