Baragay health workers gawing contact tracers
Joy Cantos (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., na upang makatipid ng bil­yong pondo na maaari pang ilaan sa pagkontrol sa paglaganap pa ng COVID-19 sa bansa ay gamiting contact tracers ang mga barangay health workers (BHWs).

Anya, kailangan lamang ay dagdagan ang mga allowance ng mga BHWs kapag binigyan sila ng karagdagang mga trabaho bilang contact tracers.

Una nang inirekomenda ni Finance Secretary Sonny Dominguez na mag-hire ng mga contact tracers sa COVID-19 kung saan ay maaaring i-tap dito ang mga manggagawa na aabot sa 1.2 milyon hanggang 1.5 mil­yon na nawalan ng mga trabaho sa lockdown dulot ng krisis sa COVID-19 at gugugol ang gobyerno ng tinatayang P11.7 bil­yon sa pagkuha ng mga contact tracers.

Inihayag ni Garbin na ang P11.7 bilyon ay magagamit pa ng pamahalaan para pondohan ang “enhanced targeted testing” sa mga taong hinihinalang may COVID-19.

Aniya, bagaman at maganda naman ang intensiyon ni Dominguez ay mas higit na magiging epektibo na mga contact tracers ang mga BHWs dahil mas kabisado nila ang mga tao na naninirahan sa kanilang mga komunidad. Sa ganitong paraan ay mas higit na mapapabilis ang monitoring  ng mga BHWs bilang mga contact tracers dahil mismong sa bisinidad na rin ng mga lugar na kanilang ginagalawan hahanapin ang mga target na mai-test o ma-isolate.

HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with