Ito ang pangamba ni Secretary Carlito Gal-vez Jr., kabilang sa mga OFWs na dumarating at paparating pa lang sa bansa ay pawang mula sa United States, Italy, Spain at ilang parte ng Middle East.
STAR/File
2nd wave ng COVID-19 posibleng madala ng mga umuuwing OFWs
Malou Escudero (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng ang dami ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) ang mag-trigger ng “second wave” ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa.

Ito ang pangamba ni Secretary Carlito Gal-vez Jr., kabilang sa mga OFWs na dumarating at paparating pa lang sa bansa ay pawang mula sa United States, Italy, Spain at ilang parte ng Middle East.

Sa rami aniya ng umu­­uwing OFWs, maaring magkaroon ng spike o pagtaas sa kaso ng sakit.

“And nakikita natin dito is ‘yung magkaroon ng spike ang mga lugar at isa rito na nakikita natin is ‘yung importation ng transmission through malaking influx ng ating OFWs,” ani Galvez.

Sa ngayon, umabot na sa 30,000 OFWs na umuwi sa bansa ang naisailalim sa COVID-19 test at 600 sa kanila ang nagpositibo.

“Sa aming tingin po nasa first wave pa rin tayo at nakikita po natin itong first wave natin ay nakuha natin sa local transmission,” ani Galvez.

Sinabi naman ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya alam kung saan nanggaling ang datos na nasa second wave na ang COVID-19 sa Pilipinas.

Bagaman at hindi binanggit ni Roque ang pangalan ni Health Secretary Francisco Duque, sinabi nito na pabayaan na lamang ito dahil na-ging malinaw naman na nasa first wave pa lamang ang impeksiyon.

COVID-19 OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with