SC ‘di nagpalabas ng TRO

Magugunita na nag­hain ng petisyon sa Korte Suprema ang ABS-CBN at hiniling ang pagpapalabas ng TRO na magpapawalang bisa sa cease and desist order ng NTC na kung saan ang nasa­bing utos ay tigil ang operas­yon ng network.
STAR/Miguel de Guzman, file

Sa CDO ng NTC vs ABS-CBN

MANILA, Philippines — Hindi muna nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN.

Sa halip, inatasan ng Supreme Court ang NTC na magsumite ng komento sa inihaing petisyon ng network sa loob ng 10 araw.

Inatasan din ng Korte Suprema ang Kamara at Senado na maghain ng kanilang komento sa loob din ng 10 araw.

Magugunita na nag­hain ng petisyon sa Korte Suprema ang ABS-CBN at hiniling ang pagpapalabas ng TRO na magpapawalang bisa sa cease and desist order ng NTC na kung saan ang nasa­bing utos ay tigil ang operas­yon ng network.

Related video:

Show comments