2 mister mula Metro Manila nakihalubilo at nakipaglaklakan sa burol, arestado

MANILA, Philippines — Dalawang mister na nakalusot mula Metro Manila at nakihalubilo pa sa burol ng patay ang dinakma ng pulisya sa paglabag sa umiiral na quarantine protocols sa Brgy. Casilagan, Sta Cruz, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon sa pulisya, bukod sa sinuway nina Basilio Salazar, 70, at Zaldy Campos, 56, na taga-Brgy San Roque, Murphy, Quezon City ang pagsasailalim sa 14-days home qua­rantine; namataan pa silang nakikipaglaklakan sa iba’t ibang lugar na labis ikinabahala ng mga residente ang pelig­ro ng paghasik nila ng COVID-19.

Ang dalawa ay nasa kustodya na ng mga awtoridad at sasampahan ng kasong kriminal. 

Show comments