Poe, nag-inhibit sa franchise renewal hearing ng ABS-CBN

Gemma Garcia (Pang-masa) - May 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-inhibit kahapon si Senator Grace Poe, chairman ng committee on public services para pangunahan ang Senate hearings sa  ABS-CBN Corporation’s franchise renewal.

“Nag-inhibit na ako kaya idinelegate ko ‘yung isa sa mga vice chairman, si Senator Sherwin [Gatcha­lian]. Siya na ang didinig niyan,” wika ni Poe sa virtual interview.

Nauna nang sinabi ng Senadora noong Marso, na hindi siya mag-i-inhibit sa pagboto para sa  nasabing panukala dahil ang kanyang ina na si Susan Roces ay isa sa mga artista sa ABS-CBN.

Paliwanag pa ni Poe na ang panukalang inihain ng kanyang mga kasama para sa franchise renewal ng nasabing network hanggang Hunyo 30, 2020  ay magandang remedyo sa ngayon para mabigyan ng sapat na oras na pag-aralan ito.

Bukod dito, mapoprotektahan din umano ang trabaho ng libu-libong media workers sa ABS-CBN.

Nanindigan din ang Senadora na lahat ng franchise bills ay dapat magmula sa Kamara, bagamat hindi naman umano niya alam kung mayroong pag-uusap sa pagitan nina Gatcha­lian, Senate Majority leader Migz Zubiri at iba pang counterparts nila sa Mababang Kapulungan para madaliin ang franchise bills.

GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with