International chartered at commercial flights, papayagan na sa NAIA
Butch Quejada (Pang-masa) - May 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na simula bukas (Mayo 11), ang lahat ng inbound international chartered flights at commercial flights na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay bibigyan ng kanya-kanyang araw para mag-landing sa nasabing paliparan.

Nagpalabas ang CAAP operations center ng ‘Notice to Airman’ (NOTAM), ang mga inbound international chartered flights ay papayagan lamang na lumapag ang kanilang mga eroplano sa NAIA tuwing Lunes at Huwebes, kung makakakuha sila ng clearance mula sa Department of Foreign Affairs ( DFA) at CAAP para sa slotting purposes.

Samantala, ang mga inbound international commercial flights ay papayagan tuwing araw ng Martes, Miyerkules, Biyernes, Sabado, at Linggo pero kailangang aprubado ang kanilang clearance sa CAAP ng 48-oras bago ang naka-iskedyul na pag-alis mula sa airport na pinagmulan nila para sa mga kinakailangang mga slotting at resche­duling ng mga flight sa pagkakasunud-sunod at dapat mag-subscribe sa 400 na pasahero lamang sa bawat araw na kapasidad ng NAIA.

Ang mga paghihigpit ay aabutin ng isang buwan mula Mayo 11 - Hunyo 10, ito ay ipinatupad sa NAIA lamang. Sa iba pang international airport sa bansa ay mayroon ding mga hiwalay na mga paghihigpit.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with