POGO pinagbabayad muna ng buwis bago gumana

Ito ang paglilinaw ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Senior Offshore Gaming Officer Diane Erica Jogno na kailangan munang magprisinta ng ‘certificate of registration’ sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga licensees at service providers ng mga POGO na patunay na nakapagbayad sila ng buwis hanggang Marso 2020.
Vallery Hache/AFP

MANILA, Philippines — Kinakailangan munang magbayad ng mga buwis at iba pang regulatory fees ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) bago sila hayaang makapag-’partiall operate’.

Ito ang paglilinaw ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Senior Offshore Gaming Officer Diane Erica Jogno na kailangan munang magprisinta ng ‘certificate of registration’ sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga licensees at service providers ng mga POGO na patunay na nakapagbayad sila ng buwis hanggang Marso 2020.
Kailangan din na makapagpakita ng pruweba ang mga POGO na nagbayad sila ng ‘regulatory fees’ at ‘minimum guarantee fee’ para sa Abril kahit na hindi sila nag-operate sa naturang buwan.

Nanatili naman ang paniwala ng PAGCOR na isang uri ng ‘business process outsourcing (BPO) ang mga POGO dahil sa ‘subcontracted support work’ tulad ng customer service para sa mga operators at players sa labas ng Pilipinas ang kanilang ginagawa.

Show comments