^

P5K cash aid para sa mga guro sa Maynila

Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatanggap ng P5,000 cash na ayuda mula sa Manila City government ang mga teaching at non-teaching personnel sa lungsod kaugnay sa nararanasang krisis bunga ng COVID-19 pandemic.

Sa anunsyo ni  Manila Mayor Isko Moreno noong Biyernes, tatanggap ng P5,000.00 cash ang mga guro kasunod ng paglagda sa release ng P64-milyon.

“Ang lahat ng aming teacher and non-teaching personnel, sa aming elementary at public high school ay tatanggap ng P5,000 bawat isa. Pinirmahan ko na kahapon yung P64 million more or less,” ani Moreno noong Biyernes.

May 11,000 public elementary at high school personnel ang mabibiyayaan ng tulong pinansyal, ayon sa alkalde. Diretso na sa mga ATM cards ng mga teachers at non-teaching staff  ang nasabing financial assistance.

CASH AID GURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with