^

Police Metro

Kaso ng ‘phishing’ tumaas ng 100%

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon si Cabinet Secretary at Inter-agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases spokesperson Karlo Nograles sa publiko na doblehin ang pag-iingat sa paggamit ng online banking matapos tumaas ng 100 porsyento ang tinatawag na “phishing” kung saan nakukuha ang detalye ng mga account ng bangko o kaya ay credit cards.

Sinabi ni Nograles na dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, dumami ang gumamit ng internet connections upang magawa ang mga bagay na hindi na kailangan pang lumabas ng tahanan. Kabilang na aniya rito ang pagbili ng groceries na idini-deliber na lamang sa bahay o kaya ay pagbabayad ng bills.

Bagaman at malaking tulong aniya ang online banking, nagbabala naman ang NBI-Cybercrime Division at Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtaas ng kaso ng phishing na umabot sa 100 porsiyento.

“Bale ang modus operandi ng phishing ay may taong magpapanggap na empleyado ng bangko mo at hihingin nila ang detalye ng account mo tulad ng account number o password. ‘Wag nyo pong ibigay; hin­di po hihingin ng banko n’yo ‘yan - kahit kelan man, kahit sa ano mang pagkakataon,” sabi ni Nograles.  

vuukle comment

PHISHING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with