^

Police Metro

Trader, sekyu tiklo sa overpriced thermal scanners

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang negosyante na online seller at isang guwardya na umano’y nagbebenta ng mga overpriced thermal scanners sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Dakong alas-3:00 ng hapon nitong Biyernes nang arestuhin sa panulukan ng Maceda at Espana Boulevard matapos magpositibo ang transaksyon sa mga suspek na sina Dexter Quan, 45-anyos, negosyante/online seller ng 23A Miller St., San Francisco Del Monte, Quezon City; at Angelo Mancao, 27, security guard ng 1645 Mendoza St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon dakong ala-1:55 ng hapon ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7 sa pa­ngunguna ni P/Captain Kherwin Evangelista kasama si Atty. Jojo Jacob, hepe ng Fair Trade and Enforcement Bureau (FTEB) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nakabili ang poseur-buyer sa mga suspek ng isang kahon na naglalaman ng 40 units ng thermal scanner (non-contact infrared) sa halagang P3,800 kada isa na may kabuuang P152,000.

Sinasabing higit na mataas ang presyo ng nasabing produkto sa suggested retail price (SRP) na malinaw na paglabag sa price freeze na pinaiiral ng DTI.

Bukod sa thermal scanners, kinumpiska ang Hyundai Accent gray na may plakang POE 102 ng mga suspek na pinagsakyan ng nasabing mga produkto. Inihahanda ang ihahaing reklamong paglabag sa Price Act o Republic Act 7581 laban sa mga suspek.

vuukle comment

OVERPRICED THERMAL SCANNERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with