^

Police Metro

Solons sa NBI: ‘Wag i-harass si Mayor Vico’

Joy Cantos, Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling nina Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. at ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo sa National Bureau of Investigation na huwag i-harass si Pasig City Mayor Vico Sotto para paliwanagin sa umano’y paglabag nito sa batas sa diskarteng tulungan ang mga residente na naapektuhan ng COVID-19 kundi ang unahin nilang hulihin ang mga scammers, hoarders ng medical supplies at pagkain.

Sinabi pa ni Garbin na, sa halip na pagdiskitahan si Vico para patawan ng parusa sa batas na hindi pa ito saklaw na ang tinutukoy ay ang Republic Act (RA) 11469 Bayanihan To Heal As One Act, unahin rin nito katuwang ang Philippine National Police ang mga lumalabag sa price control.

Sa panig naman ni Tulfo, bahagi ng ‘political harassment ‘ ang ginagawa ng NBI kay  Sotto na tutuk na tutok sa pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Agad naman nilinaw ni  NBI OIC Director Eric Distor na pagpapaliwanagin lang nila si Mayor  Sotto, maging si Senador Koko Pimentel at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ukol sa mga panuntunan ng Enhanced Community Quarantine at R.A. 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act at kapag nakapagpaliwanag na ay hindi na umano sila mag-iinsit  ng anuman dito.

Kinampihan naman ni DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya  si Mayor Sotto sa pagsasabing ang ginawang pagpapatawag ng NBI ay maituturing na lamang na ‘political distraction’ ngayong nahaharap ang bansa sa isang health crisis dahil sa pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Giit ni Malaya, sa halip na pagtuunan ang ibang bagay ay dapat na naghahanda ang lahat at nagtutulungan upang masugpo ang COVID-19 crisis.

Aminado siya na nagkaroon ng bahagyang di pagkakaunawaan ang DILG at si Sotto ngunit naayos na aniya ito nang tumalima ang alkalde sa kautusan ng ahensiya.

Related video:

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with