^

Police Metro

2 babaeng preso ni-rape ng 2 pulis-Marikina

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang dalawa nilang kabaro na nakatalaga sa Marikina City matapos na ireklamo ng dalawang presong babae ng panghahalay sa  loob ng police headquarters sa Marikina City, kamakailan.

Iniharap kahapon sa media ni NCRPO police chief Maj. Gen. Debold Sinas ang dalawang suspek na sina Patrolman Arnold  Moscosa Geroy at Patrolman Sonny Baccay Maruzzo, na kapwa naka­talaga sa Marikina Police Station.

“Ang dalawang pulis ng Marikina were charged for rape. Ang maganda dito kapwa pulis din nang-aresto sa kanila,” sabi ni Gen. Sinas.

Batay sa ulat, dinakip ng dalawang pulis na suspek ang dalawang babae noong Linggo (Marso 29) dahil sa kasong may kina­laman sa droga at dinala sila sa Marikina Police Station at ikinulong.

Makalipas ang ilang oras ay inilipat sa custodial facility ang dalawang babae at  doon umano sila ginahasa ng dalawang pulis.

Ayon pa kay Sinas, umamin na sa kanya ang dalawang pulis na totoong ginahasa nila ang dalawang babaeng preso.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with