2 pa dedo sa COVID-19 sa Bulacan
Omar Padilla (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa pang katao ang naidagdag sa talaan ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Bulacan habang dalawa pa ang nagpositibo sa virus, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Bulacan-Provincial Health Office, umakyat na sa 18 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan, habang dalawa ang binawian ng buhay.

Nabatid na isang 56-anyos mula sa Malolos at 67-anyos mula sa Meycauayan ang bagong mga nasawi sa nasabing virus.

Ang dalawang panibagong kaso ng COVID-19 ay isang 67-anyos na babae mula sa Meycauayan at isang 35-anyos na babae mula sa bayan ng Bulakan.

Kaugnay nito, sa kabuuan, pito na ang naitatalang binawian ng buhay sa lalawigan.

Sa kaso ng Person Under Investigation (PUI), 278 ang active PUI, 112 dito ang cleared na, habang sa kaso ng Person Under Monitoring (PUM), 2,096 ang active PUM habang 1,433 dito ang cleared na.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with