‘Botika on wheels’ sa libreng gamot para sa mahihirap
Joy Cantos (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil nasa ilalim ng lockdown kaugnay ng COVID-19 ang bansa ay iminungkahi ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na maglunsad ng “klinika, botika on wheels”sa lib­reng gamot para sa mga mahihirap na komunidad.

Ayon kay Lagman, ang  mga medical supplies ay ipagkakaloob ng Department of Health (DOH) gamit ang 2020 pondo nito na mula sa P 19.090 bilyon para sa pagbili ng mga gamot, vaccines at iba pang medisina.

Sa ilalim ng nasabing pondo P10.5 bilyon naman ang nakalaan sa social health protection program; P2.033 bilyon sa kalusugan ng mga pa­milya, nutrition at responsible parenting at P600 milyon naman sa Quick Response Fund (QRF).

Anya, ang mga medisina para sa libreng pamamahagi ay dapat kinabibilangan ng mga multivitamins, ascorbic acid, pain at fever medications, gamot sa sipon at ubo, anti-fungal, anti-bacterial ointments, first aid supplies, contraceptives at iba pa.

BOTIKA ON WHEELS EDCEL LAGMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with