97 na ang kaso ng covid-19 sa Quezon City
MANILA, Philippines — Muling umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa QC na kung saan sa loob ng magdamag ay dumagdag ng 10 kaya’t nasa 97 na ang kaso.
Ang 10 bagong mga kaso ay mula sa District 1- sa Barangays Bahay Toro-1, Mariblo-1, San Isidro Labrador-2, San Jose-1 at West Triangle -1;Sa District 2 - Barangay Bagong Silangan -2, District 4 -barangay Dona Imelda-1 at District 6- Barangay Culiat -1.Nadagdagan naman ng isa o nasa kabuuang 14 na ang namamatay sa lungsod.
Habang dalawang pasyente ang naka rekober o may kabuuang 9 katao na ang gumagaling na pasyente sa lungsod.
Patuloy pa rin na hinahatiran ng pagkain at hindi pinalalabas ng kanilang mga bahay ang mga nasa loob ng red zone o nasa extreme enhanced community quarantine sa Barangays Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, BL Crame, South Triangle, Culiat at Bahay Toro. Ang mga lugar na ito ay lampas sa 2 ang kaso ng COVID-19 kaya naisailalim sa red zone.
- Latest