Ang dagdag na 15 Covid 19 cases ay mula sa District 1- Barangays Manresa-1, Siena-2, Sto Cristo-2, District 3 sa barangays Matandang Balara- 1 at Ugong Norte -1. District 4 sa Barangays Kalusugan-1, BL Crame-2, San Isidro Galas-1 at Valencia-1 at sa District 6 sa Barangays tandang Sora- 1 at Culiat-2.
Walter Bollozos/File
Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nasa 87 na
Angie dela Cruz (Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 87 ang bilang ng kaso ng mga taga-Quezon City na positibo sa COVID-19 kaya manatili sa tahanan at maging ligtas.

Ito ang tinuran ni Dr Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveilance Unit nang tumaas pa ng 15 kaso ang positibo sa COVID kahapon at patuloy na dadami ang bilang ng mga taong positibo kung patuloy ang mga tao at hindi susunod sa ipinag-uutos ng gobyerno na mamalagi sa kani-kanilang tahanan.

Anya, kapag lumabas, kahit hindi maubuhan ng isang posi­tibo sa virus ay maaari namang mahawa kung ang hinawakan ng pasyente  ay hahawakan din katulad ng supermarket cart, railings at iba pang bagay na nahawakan ng COVID-19 positive.

Ang dagdag na 15 Covid 19 cases ay mula sa District 1- Barangays Manresa-1, Siena-2, Sto Cristo-2, District 3 sa barangays Matandang Balara- 1 at Ugong Norte -1. District 4 sa Barangays Kalusugan-1, BL Crame-2, San Isidro Galas-1 at Valencia-1 at sa District 6 sa Barangays tandang Sora- 1 at Culiat-2.

Patuloy na nasa ilalim ng  extreme enhance community quarantine (red zone) ang mga Barangays Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, BL Crame, South Triangle at Culiat dahil sa may mahigit 2 kaso ng COVID-19 sa lugar.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with